Part 5 - "Who Was Conceived by the Holy Spirit, Born of the Virgin Mary"
The Apostles' Creed • Sermon • Submitted
0 ratings
· 39 viewsNotes
Transcript
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
Introduction
Introduction
Sinabi ko last week sa dulo ng sermon na wala nang mas mahalaga pa kaysa ang makilala si Cristo. At na-affirm yun sa paulit-ulit na references sa “knowledge of God” sa Bible reading natin this week sa 2 Peter. Actually, yung simula at dulo ay nagpapakita sa atin na kailangan natin lumago sa pagkakilala sa Diyos. Paano raw mag-uumapay ang biyaya at kapayapaan sa buhay natin? "Through the knowledge of God and of Jesus our Lord" (2 Pet. 1:2 CSB). Paano raw natin mababantayan ang sarili natin sa maling aral at baluktot na pamumuhay? "Grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ" (3:18).
So, napakahalaga ng theology, at particularly yung Christology. Hindi mo pwedeng sabihing hindi natin ‘yan kailangan, para mo na rin sinasabing ayaw mong makilala si Cristo. Christology matters for eternal life, godliness, and enjoying life with God. Get this wrong at your own peril. So my conviction as your pastor is to preach Christ to you, kasi yun ang kailangan nating lahat. Tulad ni Pablo, “I decided to know nothing among you except Christ and him crucified” (1 Cor. 2:2 ESV).
That is why we are spending a lot of time sa pag-aaral ng bawat isang article na nakasulat sa The Apostles’ Creed. At nandito na tayo ngayon, simula last week, sa bahagi ng confession natin tungkol sa pinaniniwalaan natin tungkol kay Cristo na Anak ng Diyos at ating Tagapagligtas.
Our Need of a Redeemer
Our Need of a Redeemer
At mas lalaki ang pagkakakilala natin sa kanya kung makikita natin ang laki ng pangangailangan natin sa isang Tagapagligtas. Walang explicit na line sa Creed tungkol sa kasalanan natin, and our need of a Mediator. Pero implied yun sa bandang dulo, “the forgiveness of sins,” kailangan nating lahat yun. At yung tungkol sa pagbabalik ni Cristo, he will come to judge the living and the dead. Kailangan nating malaman kung paano makakaligtas sa paghuhukom at pagpaparusa ng Diyos. At yung tungkol sa kamatayan ni Jesus, implied na kailangang may magbayad ng parusa ng kamatayan dahil sa kasalanan ng tao. Makasalanan tayo. We need a Redeemer.
Simula nang magkasala si Adan, lahat ng mga tao ay nagmana ng kasalanan niya (Rom. 5:12), mula pa sa sinapupunan ng ating ina makasalanan na tayo (Psa. 51:5). Lahat tayo ay nagkasala at nararapat lang parusahan ng Diyos. Dahil makatarungan siya, hindi niya ito pwedeng palampasin (HC Q10). Oo nga’t maawain ang Diyos, pero hinihingi ng katarungan ng Diyos na ang nagawa nating mga kasalanan laban sa kataas-taasang Diyos ay maparusahan din ng pinakamatindi at walang hanggang pagpaparusa (Q11). Makakatakas lang tayo sa parusang ito kung babayaran natin ito o ng iba (Q12). Kaya ba nating bayaran ang pagkakautang na ito? Hinding-hindi, araw-araw pa ngang lumalaki ang pagkakautang natin sa Diyos (Q13). Meron bang ibang tao na makapagbabayad nito para sa atin? Wala, dahil wala namang sinuman ang kakayaning akuin ang tindi ng galit ng Diyos sa kasalanan (Q14).
Ano ngayong uri ng Tagapamagitan at Tagapagligtas ang kailangan natin at dapat nating hanapin? Tunay na tao, tunay na matuwid, at higit na makapangyarihan sa lahat ng nilalang, kaya dapat ay tunay na Diyos din (Q15). Bakit kailangang tunay na tao ang Tagapagligtas? Dahil tao ang nagkasala kaya tao rin ang dapat magbayad. Bakit kailangang tunay na matuwid? Dahil kung may kasalanan din, hindi niya kayang bayaran ang kasalanan ng iba dahil siya mismo ay kailangan rin ng Tagapagligtas (Q16). Bakit kailangang tunay na Diyos? Dahil ang walang-hanggang Diyos lang ang may sapat na kapangyarihan para maako ang walang-hanggang parusa ng Diyos at makapagbigay sa atin ng buhay na walang-hanggan (Q17).
Para baligtarin ang sumpang dulot ng kasalanan ni Adan sa sangkatauhan at sangnilikha, kailangang dumating ang ipinangako ng Diyos na anak ng babae na dudurog sa ulo ng ahas (Gen. 3:15). Hindi si Noah. Hindi si Abraham. Hindi si Jose. Hindi si Moses. Hindi si Joshua. Hindi si Saul. Hindi si David. Hindi si Solomon. Hindi ang sinumang dakilang hari, o punong pari, o magiting na propeta sa kasaysayan ng Israel. Sino ang tagapamagitang ito na tunay na Diyos at tunay na taong matuwid? “Ang ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang ginawa ng Diyos na maging ating karunungan, katuwiran, kabanalan, at katubusan (1 Cor. 1:30)” (HC Q18). O sa New City Catechism Q20, “Sino ang Manunubos na ito? Ang tanging Manunubos ay ang Panginoong Jesu-Cristo, ang walang hanggang Anak ng Diyos, na sa Kanyang katauhan ay naging Tao ang Diyos at inako ang kabayaran ng kasalanan sa Kanyang sarili.”
The Christmas Story and the Incarnation
The Christmas Story and the Incarnation
Kaya mahalaga yung ika-apat na artikulo sa Creed, o ikalawa sa section ng Christology nito. Last week, pinag-aralan natin yung una about Jesus, “Jesus Christ, his only begotten Son, our Lord.” Marami na tayong natutunan tungkol sa kanya, pero mas makikilala pa natin siya nang lubusan sa sumunod na linya, “Who was conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary.” Sa Tagalog, “Siyang ipinaglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo.” Sa Latin, “qui conceptus est de Spiritu Sancto, natus ex Maria virgine.”
Alam naman natin ang kuwento ng kapanganakan ni Jesus, lalo na kapag magpapasko. Ipinanganak si Jesus bilang katuparan ng pangako at plano ng Diyos sa Old Testament sa Israel, siya si “Jesus Christ, the son of David, the son of Abraham” (Matt. 1:1). Mahalagang ma-establish na birhen si Maria nang ipagbuntis niya si Jesus dahil yun ay fulfillment ng prophecy sa Isaiah 7:14, “Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki,
at tatawagin itong Emmanuel (ang kahulugan nito'y ‘Kasama natin ang Diyos)” (Matt. 1:23). Dito pa lang, ipinapakita na na si Jesus ay Diyos din. Hindi pa kasal si Maria at Jose nung nagbuntis si Maria, pero hindi si Jose ang ama, at hindi rin ibang lalaki (vv. 18-19). Siyempre mahirap yung para kay Jose, kaya nagpakita ang anghel sa kanya, at ang sabi, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo” (v. 21).
So doon galing yung line sa Creed, “conceived by the Holy Spirit.” Maraming mahimalang pagbubuntis sa Old Testament—si Sarah, si Rebekah, si Rachel, si Hannah. Pero walang mas pambihira pa sa kapanganakan ni Jesus. Merong human mother, para matiyak na tao ang ipapanganak, pero walang human father, para ma-preserve ang kabanalan ng sanggol at hindi maipasa ang “original sin.” Bago ito, nagpakita rin ang anghel kay Maria, at sinabihan siya kung paano mangyayaring magbubuntis siya na wala namang ama. “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos” (Luke 1:35).
Mahalaga na paniwalaan natin yung historical account na ito ng virgin birth. Yung iba kasing liberal theologians hindi naniniwala dito, sobrang miraculous at imposible daw. But that is the point! Kasi kung hindi mo ‘to paniniwalaan, hindi mo rin pinaniniwalaan ang Salita ng Diyos tungkol dito, at sinasabi mo pang sinungaling ang Diyos. At kailangang mangyari itong virgin birth para masigurado na tunay na tao, tunay na matuwid, at tunay na Diyos ang ipapanganak. Dito nakasalalay ang kaligtasan natin. Imposible sa tao, yes. Kaya sinabi ng anghel, “...sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos” (v. 37). Sabi ng theologian na si Wayne Grudem, "The virgin birth of Christ is an unmistakable reminder that salvation can never come through human effort, but must be the work of God himself" (Wayne Grudem).
Sabi ni Albert Mohler, kung hindi ka naniniwala sa virgin birth, delikado ka, dahil ang pinaniniwalaan mo ay hindi ang Cristo na itinuturo ng Salita ng Diyos. “The Apostles’ Creed, therefore, has included the virgin birth for good reason—it is true, it is essential, and it is glorious” (Mohler, 42). Dito nakasalalay ang kaligtasan natin. Kaya sabi sa Nicene Creed about Christ, “Who, for us men for our salvation, came down from heaven, and was incarnate by the Holy Spirit of the virgin Mary, and was made man.”
Ang salitang “incarnate” ay tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos Anak, galing sa Latin na incarno, sounds carne, meaning, “to be made flesh.” “Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos...Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin” (John 1:1, 14). Hindi ibig sabihing nagtransform yung divine nature at naging tao, kundi idinagdag sa pagka-Diyos ng Anak ang kalikasan ng tao. Hindi binawas ang pagka-Diyos ng Anak para maging tao. “Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao” (Phil. 2:6-7). Nagpakababa siya sa pamamagitan ng pagdadagdag ng kalikasan ng tao sa pagiging Diyos niya. Kaya meron dual nature ang Panginoong Jesus. One person, two natures—divine and human.
So, ang Pasko ay hindi tungkol sa kapanganakan ng isang sanggol, hindi ito birthday ni baby Jesus. Hindi yun ang pinakamahalaga! “The overarching concern of the New Testament is not the birth of a baby, but the incarnation of God. The Christian faith stands or falls with the incarnation” (Sproul, What We Believe, 112). So when we sing kapag Christmas, hindi “Happy birthday Jesus!” But yung high Christology ng mga hymns tulad ng “Hark the Herald”:
Christ, by highest heaven adored,
Christ, the everlasting Lord,
late in time behold him come,
offspring of the Virgin's womb:
veiled in flesh the Godhead see;
hail th'incarnate Deity,
pleased with us in flesh to dwell,
Jesus, our Immanuel.
Early Creeds vs Christological Heresies
Early Creeds vs Christological Heresies
Incarnate. Immanuel. God with us. Fully God, fully human: “Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag nila na si Jesu-Cristo ay dumating bilang tao” (1 John 4:2). Kung hindi ganyan ang paniniwala, maling katuruan yun, heresy. Time travel tayo ulit, 4th-6th centuries, at tingnan natin ang mga issues regarding Christology noon. Baka isipin n’yo kung bakit kailangan pa nating pag-usapan yung mga controversies na ‘yan, saka yung mga theological terms na nakakabit diyan. Nagbigay si Joel Beeke ng two reasons kung bakit mahalagang pag-aralan ‘to (RST 2:821). Two words daw ang sagot: gospel and glory. Gospel, kasi salvation natin ang nakasalalay sa tamang paniniwala tungkol kay Cristo. Glory, kasi we honor the Son (and the Father!) kung kinikilala nating mabuti kung sino siya.
So, brace yourselves, fasten your seatbelt, sasakay tayo ulit ng time machine. Heto yung summary nung mga issues na yun: "In Jesus Christ, true deity (against Arius) and full humanity (against Apollinaris) are indivisibly united in one person (against Nestorius) without being confused (against Eutyches)” (Bruce Shelly, Church History, 123).
Itong si Arius at Arianism ay nabanggit ko na last week. Hindi daw Diyos si Jesus, tao lang daw. Pero meron din namang nagtuturo na Diyos nga si Jesus, pero hindi tunay na tao. Halimbawa, itong si Apollinaris, bishop ng Laodicea (310-390 AD), against din siya sa teaching ni Arius at sinasabing totoong Diyos at totoong tao si Jesus, pero sinasabi niya na yung humanity ni Christ ay katawan lang, at walang human soul. In place of that ay yung divine Logos. Condemned siya at yung teaching niya na Apollinarianism as heresy sa council of Constantinople noong 381. Dahil sinasabi ng mga Cappadocian fathers tulad ni Gregory of Nazianzus (330-390) na hindi lang naman katawan ng tao ang kailangan iligtas, kundi pati ang kaluluwa, buong pagkatao, so dapat ang Tagapagligtas ay maging buo rin ang pagkatao niya—may katawan at kaluluwa. Kaya malinaw nag declaration sa simula ng Chalcedonian Creed (451 AD) tungkol dito:
Historic Creeds and Confessions The Symbol of Chalcedon
We, then, following the holy Fathers, all with one consent, teach men to confess one and the same Son, our Lord Jesus Christ, the same perfect in Godhead and also perfect in manhood; truly God and truly man, of a reasonable [rational] soul and body; consubstantial [coessential] with us according to the manhood; in all things like unto us, without sin;
Si Nestorius (died 452 AD) naman, patriarch ng Alexandria ay na-condemned noong 431 ng Council of Ephesus dahil itinuturo niya na si Mary ay hindi pwedeng tawaging “mother of God” (theotokos) kundi “mother of Christ” (Christotokos). Ang isyu ay hindi tungkol kay Mary, kundi tungkol sa unity of two persons—divine and human—in Christ. Pinaghiwalay niya yung hindi dapat paghiwalayin. Karugtong ng Chalcedonian Creed:
Historic Creeds and Confessions (The Symbol of Chalcedon)
begotten before all ages of the Father according to the Godhead, and in these latter days, for us and for our salvation, born of the Virgin Mary, the mother of God, according to the Manhood; one and the same Christ, Son, Lord, Only-begotten; to be acknowledged in two natures, inconfusedly, unchangeably, indivisibly, inseparably;
Ito namang si Eutyches (378-455) ng Constantinople ay nagturo na meron lang “one nature” si Christ, hindi two natures na divine and human natures in one person, na para bang mixture ng divine-human, magkahalo. Pero ang pagka-Diyos at pagkatao ni Cristo, bagamat hindi pwedeng paghiwalayin, ay hindi rin pwedeng paghaluin. Kaya sa dulo ng Chalcedonia Creed:
Historic Creeds and Confessions (The Symbol of Chalcedon)
to be acknowledged in two natures, inconfusedly, unchangeably, indivisibly, inseparably; the distinction of natures being by no means taken away by the union, but rather the property of each nature being preserved, and concurring in one person and one Subsistence, not parted or divided into two persons, but one and the same Son, and only begotten, God the Word, the Lord Jesus Christ,
Naiintindihan ng mga church fathers natin na para mailigtas tayo ni Cristo, kailangan siyang maging Diyos at tao, at para pagkaisahin ang pagka-Diyos at pagkatao, kailangan siyang ipaglihi ng Banal na Espiritu at ipanganak ni Virgin Mary. Makapaglilingkod lang siya na “perfect substitute” at epektibong handog para sa kasalanan kung siya ay parehong tunay na Diyos at tunay na tao (Mohler, Apostles’ Creed, 44).
Ngayon, walang masyadong maingay na issue tungkol sa divine and human nature ni Christ, maliban sa ibang religious groups tulad ng INC, Mormons, Jehovah’s Witnesses, at Oneness Pentecostals. Pasalamat tayo sa mga church fathers natin—tulad nina Augustine, Hilary of Poitiers, Basil, Gregory of Nyssa, Gregory of Nazianzus. We honor our fathers (5th commandment) in the faith kung pasasalamatan natin ang Diyos sa labor nila na ituro ang tamang doktrina, na napapakinabangan sa buong kasaysayan ng church.
How about Mary?
How about Mary?
Even the Roman Catholic Church ay merong orthodox Christology na sang-ayon din sa mga early creeds. Kaso ang problema hanggang ngayon ay yung Mariology (katuruan tungkol kay Mary) na nauuwi sa Mariolatry (pagsamba kay Mary) aminin man nila o hindi. Sinasabi nilang yung pagiging “full of grace” o “blessed” (Luke 1:42) ni Mary ay hindi lang nangangahulugan ng kanyang special role, by grace ay pinili siya ng Diyos na hindi lang magdadalang-tao kundi magdadalang-Diyos din, na totoo naman in a sense. But more than that, sabi nila, redeemed na daw si Mary from the moment of her conception (not Jesus’ conception, but hers). Kaya meron silang doctrine ng “Immaculate Conception.” Sabi ni Pope Pius IX (1854): “The most blessed Virgin Mary was…preserved immune from all stain of original sin” (Catechism of the Catholic Church, par. 491). This is extra-biblical, pure human invention. This should be applied to Jesus alone, by the Spirit, kaya nga without human father ang Panginoong Jesus. Hindi lang preserved from original sin si Mary, heto pa, “By the grace of God Mary remained free of every personal sin her whole life long” (par. 493), sinless daw. Only Jesus is sinless, and qualified mediator natin. We don’t need any mediator to the Father or to the Son. Even Mary needs a Savior (“God my Savior,” sabi niya sa v. 47).
Kaya clarification ni J. I. Packer, ang statement sa Creed na “conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary” ay nagpapatotoo hindi sa glory ng ina ni Jesus, kundi sa realidad ng incarnation. That’s the point. Totoong dapat din nating i-honor yung special place na bigay sa kanya ng Diyos sa history of salvation. Katunayan, bukod kay Pontius Pilate, siya lang yung human character na binanggit sa Creed. So espesyal naman talaga. Tayo naman kasing mga evangelicals parang naging allergic kay Mary. Yes, we can honor her rightly. But not pray to her. Hindi naman niya naririnig ang prayers ng libu-libong sabay-sabay na nagpepray sa kanya! At wala naman siyang kapangyarihan to grant their prayers! Diyos lang ang sovereign.
Pero nananatili pa ring magandang halimbawa sa atin si Mary, a role model kumbaga, kung paano tumugon sa tawag ng Diyos, kahit na mahirap. Imagine kung gaano kahirap magpalaki ng anak na Anak ng Diyos din, na Panginoon at Tagapagligtas niya rin! Hindi mo kaiinggitan ang posisyon niyang yun! Tularan natin yung humble response niya sa panawagan ng Diyos. “Behold I am a servant of the Lord; let it be to me according to your word” (Luke 1:38). Kung ganyan lang sana tayo tumugon sa lahat ng salita ng Diyos na sasabihin niya sa atin! She is always the obedient servant, hanggang sa kamatayan ng kanyang anak na si Jesus. "It is idolatry to pray to Mary...But it is highly appropriate to pray to be like her in spirit" (Sproul, 114).
Instead of focusing on Mary’s role, dapat nating marealize na higit ang role ng Holy Spirit in Jesus’ incarnation. “Conceived by the Holy Spirit.” In fact, ang Espiritu ng Diyos ang kasama niya his whole life and ministry on earth. Pag-uusapan pa natin ‘yan kapag nandun na tayo sa portion ng Creed na focused sa Holy Spirit. Pero at this point, mahalaga na alalahanin natin, na itong involvement ng Holy Spirit ay ebidensiya na ang ating triune God—Father, Son and Spirit—ay gumagawa nang sama-sama, hindi magkakahiwalay, kundi magkakatugma sa iisang kalooban para tuparin ang iisang plano para sa ating kaligtasan. Oh how great and gracious is our God—Father, Son and Spirit! Hallelujah!
Life Implications
Life Implications
By focusing on Mary, nadidistract ang marami sa kadakilaan at kasapatan ni Cristo bilang tanging Tagapamagitan natin sa Diyos. Maybe not Mary for us, but other things, or other persons, or our own accomplishments. Kaya mahalaga itong oras na inilalaan natin sa pagsamba sa Diyos, panalangin at pakikinig sa mensahe tungkol sa kadakilaan ni Cristo. Para muli tayong mamangha sa kadakilaan ng pagliligtas na ipinagkaloob niya sa atin. Sabi ng church father na si Irenaues, “For this is why the Word of God became man, and the Son of God became the Son of man: so that man, by entering into communion with the Word and thus receiving divine sonship, might become a son of God." O sa Hark the Herald:
Mild he lays his glory by,
born that we no more may die,
born to raise us from the earth,
born to give us second birth.
Kung ‘yan pala ang glory and wonder of the incarnation, ano ngayon ang implication nito sa buhay natin? Let me mention yung twelve implications na binanggit ni Joel Beeke tungkol sa incarnation (Reformed Systematic Theology, 2:859-863)
Hanapin mo at tingnan mo si Christ sa pamamagitan ng gospel.
Tanggapin mo si Cristo bilang nag-iisang Tagapamagitan.
I-magnify mo ang pag-ibig ng Diyos sa pagbibigay niya sa atin ng kanyang Anak.
Mamangha ka kay Cristo bilang ating supernatural Savior.
Mahalin mo si Cristo bilang iyong Kinsman-Redeemer.
Makipag-ugnayan kay Cristo bilang iyong elder-brother, kuya kumbaga.
Sundan mo si Cristo bilang halimbawa, ugat, at motibo ng kabanalan.
Gayahin mo si Cristo sa kanyang kapakumbabaan sa pakikitungo mo sa ibang tao.
Tularan mo si Cristo sa kanyang masaganang pagbibigay para sa kapakanan ng iba.
Ipagtanggol mo ang doktrina tungkol kay Cristo laban sa mga maling katuruan.
Magalak ka na si Cristo ang nangunguna sa atin patungo sa kaluwalhatiang nag-aabang sa atin.
Itanghal at sambahin mo ang Anak na nagkatawang-tao, the incarnate Son.